Biyernes, Marso 1, 2013

Paglalakbay ng pasasalamat


Mga Ginoo at Binibini,

            Kayo ay magtatapos na sa mataas na paaralan ngunit ang kaalaman na inyong tatamasahin at tataglayin ay kailanman ay hindi magtatapos.Ang panibagong paglalakbay sa buhay ninyo ay mag-uumpisa matapos ang ilang buwan mula ngayon at sa paglalakbay na iyan ay baunin ninyo ang pagpapahalaga sa mga bagay na inyong naranasan at natutuhan. . .Maglakbay kayo. . . mangarap ng taos puso at talino...tahakin ninyo ang landas na inihanda ng mga nagmamahal sa inyo, kung madapa. . tumayo at bumangon. . kung may madaanan kayo na hirap sa buhay. . huminto at tumulong. .

                Magpasalamat kayo sa mga taong tumulong sa inyo sa paglalakbay ninyo sa mataas na paaralan. . .
           Lilipas ang oras. . .Dadaan ang maraming araw. . masasaktan,mahihirapan at iiyak kayo. . pero pakatandaan ninyo na

               “ang ugat ng edukasyon ay mapait ngunit ang prutas nito ay walang kasing tamis”. . .

            Ang prutas na aking pinaghirapan ay napitas ko na kaya’t ibibigay ko sa iyo ito na nagbabasa ng aking liham. . nawa’y ang buto ng prutas na ibinigay ko sa iyo ay iyong itanim at kapag tumubo na ay ibigay mo rin sa iba ang prutas nito. . 

              Mangarap,mag-aral,gumalang, at magdasal. . .

Ina ng Laging Saklolo. . . . .
                                          Santa Candida Maria De Jesus. . . . .
                                                                                                 San Vicente De Paul. . . . . 

            Muli mga ginoo at binibini, Salamat sa pagsama sa akin sa paglalakbay. . baunin ninyo ang mga aral na natutuhan ninyo mula sa ating paglalakbay. . sa ngayon, PAALAM na muna. . 

Miyerkules, Enero 30, 2013

Mga Gawain


TALA NG MGA GAWAIN SA BAWAT PAKSA
KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO
Q1 – 1-10
BANGHAY NG EL FILIBUSTERISMO
Simula – Si Simoun                                         (Talasalitaan 1-7, pahina 45)  7puntos

Tumitinding Galaw – Ang Mitsa /Paglisan       
(Talasalitaan 1-6, pahina 118)  6puntos


Sagutin ang mga talasalitaan bago basahin.Isulat sa kwaderno ang kasagutan.
Pangkatang Gawain – Pag-uulat (masining)

RT – 1
Sa pag-uusap nina Simoun at Basilio, may indikasyon ng isang napipintong (nalalapit) suliranin. Tukuyin ito. Ano ang naging reaksyon ni Basilio rito?
RT 2 - . Karapat-dapat bang piliin ang kabanatang “Mitsa” bilang patunay ng tumutinding galaw sa nobela? Bakit?

RT 3 - Anu- anong Kumplikasyon o suliranin ang nararanasan ni  Placido? Bakit?
RT 4 - Ilahad ang mga plano / balak ni Simoun. Sapat na ba ang mga planong iyon upang sang-ayunan nina Basilio at Placido? Bakit?

RT 5 -  Ano ang pagkakaiba ng prinsipyo ni Basilio at Placido?
Kasukdulan at Kakalasan  - Pista/Ang Piging              (Talasalitaan 1-7, pahina 230-231)  7puntos

Wakas – Katapusan                                                     
(Talasalitaan 1-7, pahina 255)  7puntos

Output  1 – Gumawa ng isang movie clip o video na sasagutin ang katanungan na ito:
Bilang isang Manresan sa paanong paraan mo ipinakikita at ipinaparamdam ang iyong kabutihan sa ibang tao?
Q2  - 1- 15



TAUHAN NG EL FILIBUSTERISMO
Pag-uulat
RT 1                                                                                         KABANATA
SIMOUN                                                                                   Ang Paglisan,Si Simoun

 RT2
BASILIO                                                                                   Si Simoun
,Ang Huling,Matuwid
 PADRE FLORENTINO
                                                                                                Ang Katapusan
RT 3
GINOONG PASTA                                                                    Si Ginoong Pasta
KABESANG TALES                                                                  Kayamanan at    Kagustuhan, Kabes       Tales
RT 4
DON CUSTODIO                                                                      Ang Nagpapasya
RT 5
ISAGANI                                                                                   Si Ginoong Pasta,Mga Pangarap, Ang                 Prayle at Ang Pilipino

TAKDA: Basahin at sagutin ang mga kabanatang itinala.Humanda para sa gagawing pag-uulat ng bawat RT.
Output 2 : Pagsusuri sa  bawat tauhan.Ilagay sa  short bondpaper.
Suliranin,
Katangian,
Paniniwala sa buhay,
Halagang Pangkatauhang Natamo
Rubrics
Kaugnayan ng nabuong tauhan sa totoong karakter                                                                                                                           5 puntos

Pagsusuri                                                                                                                                                                                                                          5 puntos

Kalinisan                                                                                                                                                                                                                                                   3 puntos

Oras ng pagpapasa                                                                                                                                                                                                      2 puntos

Q3 – 1 - 15
SIMBOLISMO SA EL FILIBUSTERISMO
SIMBOLISMO
Kabanata 23, Isang Bangkay - - - (Talasalitaan pahina 151, 10 puntos)
Si Kapitan Tiyago at Ang Lipunang Pilipino
Pangkatang Gawain: Venn Diagram.

A-B – Pagkakaiba ng katangiang taglay ni Kapitan Tiago (A) at ng pamahalaan (B).
C – katangiang taglay pareho ng tauhang A at B.
Takda: Basahin at sagutin ang talasalitaan ng kabanata 1 at 17.

-
Magtala ng mga sakit ng lipunang umiiral sa ngayon.
-
Pumili ng isa at bumuo ng reaksyon hinggil dito.
-sa kuwaderno ilalagay ang sagot

SIMBOLISMO

Kabanata 1 , Sa Kubyerta  - - - (Talasalitaan pahina 8, 9 puntos)
Bapor Tabo… Lipunang Walang Direksyon
Mga Katanungan :

-Ilarawan ang kalagayan ng bapor Tabo?

-Bakit itinuturing na makapangyarihan ang bapor Tabo?

-Paghambingin ang bapor Tabo at lipunang Pilipino .

Takda:

-Gumuhit ng isang pansariling pagtingin sa kasalukuyang lipunang Pilipino.

-
Ilagay sa colored paper o short bondpaper




SIMBOLISMO

Kabanata 17, Perya sa Quiapo - - - (Talasalitaan pahina 105, 5 puntos)
Perya sa Quiapo… Tau-tauhang Lipunan
Pangkatang Gawain: Pagsusuri sa Akda.
Mga Tauhan at Suliranin
Takda:
-
Balikan ang mga tala sa Tunggalian, kung walang tala hanaping muli sa libro: kahulugan at uri nito.
OUTPUT 3
-Take  a Picture.Kumuha ng sariling larawan sa panahon natin ngayon na mayroong kaugnayan sa mga simbolismong  natalakay sa El Fili. . 3R ang size na gagamitin sa pagpapaprint at may caption.
Q4 – 1-15

TUNGGALIAN SA EL FILIBUSTERISMO

Pangkatang Gawain

Magpapakita ng iba’t ibang pantomina ng tunggalian mula sa mga inatasang mag-aaral..

Basahin, unawain at sagutin ang mga talasalitaan sa mga sumusunod na kabanata at pagkatapos ay tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang nagaganap sa bawat kabanata:

Kabanata 13: Klase sa Pisika

Kabanata 18: Mga Kadayaaan
Kabanata 4: Kabesang Tales

-Paano nabuo ang tunggaliang tao sa tao sa kabanatang “Klase sa Pisika”?

-
Paano nakita sa bahagi ng kabanatang “Mga Kadayaan”?

-Sa anong sitwasyon masasabing ang lipunan ang naging dahilan ng kasawian ng tao sa kabanatang “Kabesang Tales”?

-
Makatotohanan bang makaranas tayo ng iba’t ibang uri ng tunggalian?

-Ano ang nagiging epekto nito sa isang indibidwal?

-
Ito ba ay maaaring maiwasan? Pangatwiranan ang sagot.



Tunggalian

Tao sa Sarili ------Kabanata 18: Mga Kadayaaan (Talasalitaan pahina  111, 6 puntos)

“Walang lihim na hindi nabubunyag”

Tao sa Tao--------Kabanata 13: Klase sa Pisika (Talasalitaan pahina 81 , 7 puntos)

“Ang mag-aaral ay taong masasaktan kapag nilait at hiniya ng harap-harapan”

Tao sa Lipunan - -Kabanata 4: Kabesang Tales (Talasalitaan pahina  26, 7 puntos)

“Ang taong nagigipit kahit sa patalim ay nakapit”.

Takda:

Pangkatang Gawain:

Magsaliksik tungkol sa mga usaping panglupa sa kasalukuyang panahon at iugnay sa kabanatang kabesang Tales. Ilagay sa short bondpaper pati ang sanggunian na pinagkunan.

-Bumuo ng isang guhit na magpapakita sa kalagayan ng ulong pugot na nagsasalita.

Isahang Gawain

Sa kalahating papel ilarawan ang iyong pinakagustong guro at ilahad kung bakit mo siya nagustuhan.

Q5 – 1-10


Miyerkules, Disyembre 5, 2012

Makabagong Bayani, aking guro!




“Mam!” “Ser!”, ito ang kadalasan na naririnig nating mga salita sa apat na sulok ng silid-aralan na binabanggit ng mga estudyante,upang pukawin ang atensyon ng kanilang mga guro.Sa ganitong pamamaraan nababatid ng isang guro kung ang kaniyang mag-aaral ay may kailangan o minsan pa nga ay kahit hindi magsalita ang isang bata ay nalalaman niya agad kung may kailangan o suliranin ito.Ang mga guro ang itinuturing na pangalawang mga magulang ng mga bata na pumapasok sa paaralan at siyang nagbibigay kalinga at patnubay sa mga isipang uhaw sa kaalaman.
Sa loob ng klasrum humaharap ang guro sa iba’t ibang klase ng mag-aaral na kung saan ang mga ito ay may iba’t ibang pag-uugali,paniniwala at kaalaman ngunit para sa isang guro isa itong hamon na maihahalintulad sa pagluluto ng isang pagkain na kung saan masusing pagsasamasamahin ang mga sangkap at pagkatapos ay lulutuin.Sa ganitong paraan lalabas ang isang putahe na may kaayaayang amoy at ano sangkap nito?? mga kaisipang hinaluan ng pangangaral.Mahirap magturo sa mga estudyante na hindi mawari ang nais sa buhay pero bilang guro tungkulin niya na magturo at turuan ang mga mag-aaral na ito upang unti-unti nilang malaman at maramdaman ang kariktan ng buhay.
Sisikat ang araw,malalanta ang mga dahon,hahangin ng malakas,matutuyot ang tubig sa batis, muling magdidilim, ngunit kailanman hindi matatapos ang obligasyon ng isang guro sa libulibong estudyante na kaniyang tinuruan, tinuturuan at tuturuan. Nakakapagod ang magturo ngunit sa sandaling maramdaman ng isang guro ang dedikasyon sa ginagawa niya mapapawi ito.Paulit-ulit siyang gigising at sa kaniyang bawat paggising patuloy niyang mararamdaman na kaya siya bumabangon sa umaga ay para akayin muli ang mga isipang naghihintay sa kaniya sa paaralan at umaasang muling matatamnan ng wastong aral.
Hindi man malaki ang sahod ng isang guro ngunit para sa akin,para siyang isang doktor sapagkat inilalayo niya ang kaniyang mga mag-aaral sa sakit ng lipunan na nakapalibot sa kapaligiran nito, para siyang abogado na nagtatanggol sa mga mag-aaral laban sa kamangmangan,para siyang isang nars na kumakalinga sa mga isipang nangangailangan ng karunungan, para siyang isang arkitekto na bumubuo ng plano para sa pagtupad ng pangarap ng bawat estudyante, para siyang isang enginir na gumagawa ng isang gusali sa puso ng mga mag-aaral upang lagakan ng tamang asal, para siyang isang tagaluto na naghahain ng masusustansyang kaalaman para sa isipan.Hindi masusukat kailanman ng pera ang mga bagay na nagagawa ng isang guro sa loob ng paaralan at sa bawat puso’t isipan ng mga estudyante na ang turing sa guro ay isang bayani.
Hindi man siya katulad ng ibang bayani ng Pilipinas katulad ni Rizal na pambansang bayani,o ni Lapu-lapu na kauna-unahang pinunong Pilipinong lumaban sa mga mananakop na Kastila, o ni Apolinario Mabini na matalino at may napakatibay na paninidigan, o ni Heneral Emilio Aguinaldo na unang pangulo ng Unang Rebolusyonaryong Republika ng Pilipinas, o ni Andres Bonifacio na nagtatag ng Katipunan pero para sa karamihan ang mga guro ang bayani ng mga bayani.Siya ang itinuturing na gabay ng mga kabataan na pag-asa ng bayan.
Bakit nga ba itinuturing na bayani ang mga guro? Dahil bilang isang bayani wala silang ibang hangad kung hindi ang wastong kaalaman,karunungan at asal para sa ikabubuti ng karamihan at ginagawa nila ito ng buong puso.Mahalin at pahalagahan ang mga guro sapagkat sila ang tanglaw sa gabing madilim,ang perlas sa malawak na karagatan at ang bayani ng paglalakbay sa buhay.