Mga
Ginoo at Binibini,
Kayo ay magtatapos na sa mataas na
paaralan ngunit ang kaalaman na inyong tatamasahin at tataglayin ay kailanman
ay hindi magtatapos.Ang panibagong paglalakbay sa buhay ninyo ay mag-uumpisa matapos
ang ilang buwan mula ngayon at sa paglalakbay na iyan ay baunin ninyo ang
pagpapahalaga sa mga bagay na inyong naranasan at natutuhan. . .Maglakbay kayo.
. . mangarap ng taos puso at talino...tahakin ninyo ang landas na inihanda ng
mga nagmamahal sa inyo, kung madapa. . tumayo at bumangon. . kung may madaanan
kayo na hirap sa buhay. . huminto at tumulong. .
Magpasalamat
kayo sa mga taong tumulong sa inyo sa paglalakbay ninyo sa mataas na paaralan.
. .
Lilipas ang oras. . .Dadaan ang
maraming araw. . masasaktan,mahihirapan at iiyak kayo. . pero pakatandaan ninyo
na
“ang
ugat ng edukasyon ay mapait ngunit ang prutas nito ay walang kasing tamis”. . .
Ang prutas na aking pinaghirapan ay
napitas ko na kaya’t ibibigay ko sa iyo ito na nagbabasa ng aking liham. . nawa’y
ang buto ng prutas na ibinigay ko sa iyo ay iyong itanim at kapag tumubo na ay ibigay
mo rin sa iba ang prutas nito. .
Mangarap,mag-aral,gumalang,
at magdasal. . .
Ina
ng Laging Saklolo. . . . .
Santa
Candida Maria De Jesus. . . . .
San
Vicente De Paul. . . . .
Muli mga ginoo at binibini, Salamat
sa pagsama sa akin sa paglalakbay. . baunin ninyo ang mga aral na natutuhan
ninyo mula sa ating paglalakbay. . sa ngayon, PAALAM na muna. .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento