Martes, Oktubre 16, 2012

si parker, pilot at panda.


Bago ang lahat..maraming salamat kay pareng panda kanina sa kanyang tinta na pinagamit sa akin kanina.,.,.

Ano ba ang ballpen??? ang bolpen ay isang bola na may tinta at kapag tumalbog ay maaaring makasakit,makamatay,makapagbigay aliw,kaalaman,karunungan,kabaliwan,pagmahahal at pagtatae..
sa isang tindahan na maraming bolpen marami ang makikita ngunit may iba sa atin na natatawa dhil ang tawag natin sa PEN ay bolpen at dahil dito isang matinta na pagsasabi sa mga nagsasabi nito sa atin na "WALANG PAKIALAMANAN"..

Ang bolpen at lipunan: 

Maaaring maging basehan ang estado ng buhay ang bolpen,halimbawa kung parker ang gamit mo malamang mayaman ka..kung pilot naman aba naman talaga nasa middle class ka at kung panda naman ,malamang kauri kita...

Ang bolpen at ang pag-ibig:

Kung ikaw ay isang tao na sweeeeeeettt,gagamitin mo ang bolpen para sumulat ng isang liham para sa iyong iniiroggg o sinisintaaa,pero sa panahon ngayon bibihira na lang ang gumagawa nito dahil BADUY na dawwww.pero un ang iniisip nila e..walang pakialamann ng tinta ng bolpennn..

Ang bolpen at mag-aaral:

Meron iba sa atin na binigyan ng pagkakataon na mapagkalooban ng mga magagandang bolpen ngunit hindi ito nagagamit dahil sa alam nilang marami namang pambili ng bolpen ang kanilang mga mgulang,kaya ang resulta nagtatae sila at nawawalan ng tinta kapag tumagal sa pag-aaral na ang ginawa ay magkalat ng kalokohan sa papel...merong iba naman na miski lapis na ang gamit sa pag-aaral ay patuloy pa rin sa pagsulat kahit na mapurol at wala ng pambura ang kanilang lapis pero sa kabila nito sila pa ang namamayani at nakapagtatapos..

Ang tao ay maykakayahang magsulat at mag-isip sa paraang alam nila. ang problema iba-iba ang paraan ng pagsulat may magulo,malabo,di magets.walang kwenta at kadalasan naman may nilalaman..
ang tao ay parang bolpen matinta minsan at minsan nagtatae ng kalokohan..di msamang magtae basta dapat ang ilabas ay karunungan na wasto..

Jep M Orosco on Tuesday, December 22, 2009 at 6:47pm (bahagi ng unang pagnanasa)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento