Huwebes, Nobyembre 15, 2012

Ang huling taon ng aking buhay kolehiyo



Pasasalamat sa aking mga naging guro lalo na sa mga guro sa Kolehiyo ng Edukasyon.Sa mahal na dekano Dr.Servillano Marquez na walang sawang gumagabay sa ating lahat,Kay Dr.Floranre Garcia na patuloy nagsusumikap upang itaguyod ang ating kolehiyo.Kina Mam Asidao at Mam Merialles na itinuturing na ilaw ng tahanan ng Kolehiyo ng Edukasyon.Kay Dr.Erna Lahoz at Prof. Villaruel na mga gabay ng mga Filipino Major.Kay Dr. Tomas na Puno ng Kagawaran ng Filipino ng Mataas na Paaralan ng Arellano.Maraming salamat po sa inyo.
            Sa Mataas na Paaralan ng Arellano ay hindi ko naranasan na maging isang ST o Pre-service teacher sa halip naranasan kong maging isang tunay na guro dahil sa tiwalang ipinagkaloob ni Dr.Tomas upang turuan ang seksyon 3,4,5,13,17 at ang huling seksyon sa 3rdyr ang seksyon 18.Pagdating ko sa paaralang iyon, agad akong ipinakilala sa aking mga magiging estudynte.Sa pagtuturo ko ng halos 2 buwan sa kanila na walang kinikilalang CT ay naranasan ko na magkompyut ng Grado at magbigay ng marka para sa 1st Grading period at ¾ ng grades para sa 2nd grading ay sa akin manggagaling,.
Naranasan ko ring magalit upang disiplinahin ang mga mag-aaral na aking tinuturuan,Naranasan kong maiyak hindi dahil sa hindi ko kayang magturo, kung hindi dahil sa pagkamatay ng aking estudyante na si Celina,nakilala ko si Fiel na nagdedeliver ng pandesal tuwing  alas-kwatro ng umaga,nakilala ko si Hidalgo na sinasaktan ng kanyang pangalawang ama,Naranasan kong humanga dahil sa ipinakita nilang kagalingan sa aking klase, naranasan kong mag-isip dahil sa iba’t ibang karakter na aking nakasalamuha,natunghayan ko ang pinagkaiba ng mataas seksyon at mababang seksyon,Naranasan ko na tanungin ng ibang guro sa ibang asignatura dahil sa iba’t ibang gawain na aming ginagawa tuwing may klase at  naging sanhi ito ng labis na kasiyahan na may kasamang ingay pero yung gurong kumuwestyun sa akin ay siya ring pumuri sa akin noong ako ay malapit ng umalis at ito ang sabi niya sa akin “you are a good teacher my students loves you,,I hope you will come back after you passed the LET”.Ako ay napangiti at aking napabulalas na may pagmamalaki “Taga-Adamson po kasi ako”.
 Sa loob ng halos 2 buwang aking pagtuturo ay sabay-sabay kaming  naglakbay sa bawat araling aming tinatalakay, sabay-sabay naming pinasok ang mundo ng karunungan na kung saan ako ang siyang gumagabay sa mga isipang uhaw sa karunungan at nagnanais ng wastong aral sa buhay.Lahat ng aking mga naging estudyante mapaseksyon 3,4,5,13,17,at 18 ay masusing nakinig sa bawat salitang aking binigkas ang sabi nga ng seksyon 3, sir para kang makata magsalita,oo makata ako sa paraang bibigkas ako ng mga salitang wasto na makikintal sa bawat puso’t isipan ninyo, sir! Para kang abogado! Oo, sa paraang ipinagtatanggol ko kayo laban sa kamangmangan, Sir! Para kang doktor! Oo, sa paraang inilalayo ko kayo sa mga sakit ng lipunan, sir! Para kang nars! Oo, sa paraang  aalagaan ko ang inyong mga pangarap sa buhay.sir!  para kang arkitekto! Oo, sa paraang guguhit ako ng isang plano na paglalagakan ng wastong aral sa inyong puso’t isipan.sir! para kang ininhiyero! Oo sa paraang bubuo ako ng isang gusali na kung saan pupunuin ko ng mga wastong kaalaman at karunungan at sabay-sabay kayong maglalakad sa loob gusaling ito..at pagkatapos may isang estudyante na nagbiro, sir! Para kayong basurero! Oo, sa paraang kokolektahin ko ang mga basura sa inyong puso’t isipan at itatapon ko ito sa basurahan at kailanman ay hindi niyo na ito mapakikinabangan pa.
Sa tuwing ako ay nagtuturo sinisugurado kong lahat ay makikinig, ayoko ng maingay, ayoko ng magulo dahil sa tuwing humaharap ako sa klase sinisigurado kong buong puso akong nagtuturo at buong husay kong ginagampanan ang aking pagiging guro.
Naramadaman ko ang pagpapahalaga ng aking mga estudyante at pagmamahal nila sa akin bilang isang guro.Hindi ko kailanman sinabi na ako ay nagturo ng buong puso pero namutawi sa kanilang mga labi ang mga salitang “Sir,Marami pong salamat sa pagtuturo sa amin ng buong puso”.Ako ay nabigla sa aking narinig dahil labis nilang naramdaman ang aking dedikasyon sa pagtuturo.
Isa akong guro na naghahangad ng wastong pagbabago sa ating lipunan kaya’t magtuturo ako ng buong husay at buong katapatan.
            Sa mga susunod na mag PPT at sa mga 1styr,2ndyr, at 3rdyr. Pahalagahan ninyo ang inyong mga guro,pagmalaki natin ang ating propesyon sa tamang paraan,pangalagaan ninyo ang pangalan ng ating kolehiyo,isa puso’t isaisip ninyo ang bawat itinuturo sa inyo dahil kakailanganin ninyo ito kapag kayo naman ang nagturo!
Proper Classroom Management + Mastery of the Subject + Dedication = A Good Teacher

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento